Thursday, February 3, 2011

Guest Blogger: JOSH

..........Gaya nga ng nipramis ko senyo, tunghayan natin sa ibaba ang blog ng aking guest... Josh..Passsooooooooooook!........... 


P.S. 


Susundot na din po ako ng aking mga komento :)




BLOGGING WITH COERCION: KAILANGAN KONG MAG-

BLOG DAHIL KASAMA AKO by: Joshua De Vera


MATAPOS ANG PAGLALAKBAY

Matapos mauto sa paglalakbay, sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan. Pagkababa ng bus ay naglakad kami. Naglakad ng naglakad. Umakyat baba ng foot bridge. At makalipas ang sampung kilometrong lakaran (which is overly exaggerated), nakarating din kami sa TRINOMA.

Mahaba ang pila papasok. May guard sa entrance. May cobwebs sa sa ceiling na dalawang pulgada ang diameter. Ang sosyal sosyal ng atmosphere.

KAMAY KAINAN
Almost lunchtime na at madami ring tao sa KAMAY KAINAN. Mukhang blockbuster ang lugar na ito di gaya ng mga katabing establishments na nilalangaw sa tumal ng taong nagpupunta. Taghirap ang pagkuha ng seats kasi karamihan sa mga tables ay either occupied or reserved. So, nagtanong kami sa mga staff kung may bakanteng upuan at itinuro kami sa isang plastic na mesang bilog na parang ginagamit ng mga kindergarteners dahil sa liit nito. At dahil diyan e napa-dialogue si JM ng:       
    
“Ayoko diyan, PANG-MAHIRAP!!!” 

(kelangan mo pa ba talagang sabihin to? Dyahe naman, baka isipin nilang matapobre ako – idelete to)
SEAFOODARIAN



Buti na lang at may desenteng bakanteng  upuan sa dulo kung saan katabi namin ang isang pulutong ng mga matronang nag-re-reunion. Nauna ng pumila si JM dahil sa gutom at pagbalik niya ay may dala siyang isang banyerang puno ng SEAFOODS [TAHONGKUHOL(na aking isinumpa), HIPON(na masarap at pedeng ngasabin lahat ng parte) at ALIMASAG(na di ko alam kainin)] at ni isang butil ng bigas ay di dumampi sa kanyang plato.

At dahil hindi naman ako SEAFOODARIAN (mga taong mahilig sa SEAFOODS), kumuha ako ng KARE-KARE (na walang lasa), BOPIS (na masarap naman), CHOP SUEY (gulay siya) at KANIN. Pinilit ako ni JM na tumikim ng KUHOL, at minsan uli ay na-trauma ako. Puro buhangin ang nalasahan ko at may nadagdag na namang pagkain  sa listahan ko ng NEVER EAT THIS AGAIN EVER AGAIN EVER

(hahahaha! Aba, malay ko ba naman na buhangin stuffed pala ang kuhol na yun)

Matapos ang first round ay parang nabitin ang kasama kong SEAFOODARIAN at bumalik sa hapag para kumuha pa ng isang damukal naTAHONG. Ako naman ay nagsample ng iba’t ibang putahe. ADOBOCHICKEN CURRYFRIED CHICKENHITOBANGUSPAGI(sabi kasi ni JM pagi daw yun) AT SINIGANG NA PORK. At dahil di ko nagustuhan ang HITO at PAGI ay di ko ito inubos. Tinakpan na lamang namin ito ng TAHONGSHELLS sa takot naming ma-double charge. 


(Sus, eh nagpauto ka nanaman sakin, diko naman alam kung Pagi (Sting Ray) tlaga yun!)

ICE TEA! ICE TEA!
 
Simot na ang pagkain sa aming mga plato ngunit wala pa ring refill ang aming mga baso. Sampung waiter na ata ang aming hiningan ngunit wala pa rin ni isang patak. Buti na lang at nadaan namin sa kulit. 


(Napansin ko din to, Mahirap nga magparefill ng ice tea)



SORBETES AT IBA PA
Makalipas ang dalawang oras ay naroon pa rin ang mga matronang nag-re-reunion. Nakapag-bill out na sila’t lahat lahat ngunit di pa rin sila umaalis. Picture sila ng picture na parang mga BMT lang. At wagka, lahat sila ay may FACEBOOK account! 


(BMT-Business Management Team: Departamento sa Opisina kung saan kabilang ang inyong lingkod; Dapat pala nipicture-an din natin ang mga matrona at ing tag sa Facebook, total naman eh me kanya-knya naman daw diumano silang mga account)

Makalipas pa ng ilang minuto ay dumating na rin ang kanilang hinihintay, ang SORBETES! Ito pala ang dahilan kung bakit di sila maka-alis alis. At dahil paborito ko ang SORBETES ay dali dali akong pumila dala ang dalawang tasa sa aking kamay. Dahil di ko kayang lagyan ang dalawang tasa ng sabay, nilapag ko ang isa. At ito ang sumunod na pangyayari:

                            JOSH: (scooping-scooping, lagay-lagay the ice cream in one tasa)
                          LITTLEGURL: (nakita ang nilapag kong tasa) Kuya, meron bang may-ari ng TASA?   (sabay turo with paawa eyes)
                              JOSH: MERROOOONNNN!!!
                               LITTLEGURL: (irap sabay alis)

(Pihadong nagsumbong sa magulang nya ang batang yun!LOL)

MASYADONGMAHABAANGENTRYNATOTAPUSINNA!
Matapos ang dalawang oras na pag-lala at pag-mamam eh na-reach na rin ng mga tiyan namin ang limit ng kanyang elasticity. Busog na kami! Yun na!

(Aba'y dapat lang, kala ko nga ikaw na ang me ari ng blog na to eh...nakalimot ako panumandali na ikaw pala eh guest blogger lang..haha)

SALAMAT JOSH sa Entry.....Magaling! Magaling! Magaling! 


Sunday, January 30, 2011

Ang gamit ng: PEDAL

DAU/Mabalacat Bus Terminal – mga pasado alas diyes ng umaga……..


Tingin tingin ng bus na masasakyan papuntang TRINOMA. Ewan ko ba kung anong bus ang nasakyan namin. Basta sakay nalang para maagang makapunta sa patutunguhan.






PROLOGUE
JM: “O bakit ka nakasimangot dyan? Galit ka?”
Josh: <Sambakol pa din ang mukha> “Eh pano naniwala ako sayo!!! Bwiset ka!”
JM: “Sorry na, joke joke lang” <aba eh malay ko ba namang maniniwala at magpapauto sakin tong kumag na to…hahahahaha>


ANG KWENTO:


Yung bus na sinakyan namin eh me patungan ng paa yung upuan. Tingnan na lamang ang larawan sa ibaba.






Nagkataon na ang naupuan ni Josh ay nakarecline (di ako susyal, di ko lang alam ang tagalog ng recline..pasensya naman) 


Josh: “JM pano ba aayusin to? Masyadong mababa, wala naman yung adjust-an”
JM: <sinumpong ng pang-go-good time>“Sus! Ano ka ba, ayan yung pedal o, tapak-tapakan mo lang para maadjust!”
Josh: <tinapak-tapakan nga ang pedal ng mokong… at natural walang mangyayari> “Ayaw naman eh.” <pero patuloy pa din naman sa pagtapak>
JM: <tawa na ng tawa>
Josh: <huminto na sa pagsikad sa pedal….at sumibangot na, malamang eh napagtanto na nya na mukha syang eng-eng sa pinaggagagawa nya.lol>




TRINOMA – Pasado alas dose na ng tanghali……


Kainan na! at para makabawi naman sa pang gu-goodtime ko, eh blog nya ang ipopost ko dito patungkol sa mga pagkain na aming inupakan sa KAMAY KAINAN………. 
To be continued………………………….

Sunday, January 23, 2011

Ang Kulay: LUNTIAN

Bigla kong naalala ang former colleague na lumisan na. (Oooops,  bago kayo mag over acting eh mabuti na ang maliwanag, hindi pa naman siya kinukuha ni Lord…bagkus eh lumipat lang siya ng kumpanya). 

At ang blog na ito ay aking inaalay sa kanya…..tribute kumbaga… Eliezer a.k.a. Green, kung nasan ka man ngayon, dyan ka nalang…hahahaha….joke lang.. namimiss ka lang namin.. :)




Green is life. Abundant in nature, green signifies growth, renewal, health, and environment*. 

Wag nyo ng ambisyunin na ipapaliwanag ko pa yung kahulugan nung pariralang nasa itaas isa-isa. Malalaki na kayo! Alam nyo na yan.
Basta more or less, ganyan si Green.



 
Siguro naman alam nyo na kung sino si Green dyan…Please lang WAG TANGA!


Achuchu-chu!

Toxic! Toxic! Toxic! Yan nalang ang lagi kong nararamdaman nuong mga panahong ako ay nasa GY(graveyard) Shift pa. Pero naman, ang saya kapag Sunday shift, meron kasi kaming sariling version ng “PARTY PILIPINAS” kasama si Patti(bagong tauhan to…Kara Patricia ang real name nya…at colleague din) at Emoruth(kilala nyo na sya…sya ang me kasalanan kung bakit ako nagbblog at last day na nya sa office sa February 21, 2011 :( ). Paminsan minsan sumasali din si JaJa(Jasper naman ang real name, at gaya ni Green, isa din sya sa mga lumisan na)

Sa pag “Paparty Pilipinas” namin, eh wala na kaming ibang ginawa kung di ang umawit ng umawit…..Lahat ng genres pinapatos na namin, isama mo na din lahat ng singers, pero nungka, itong si Green, di pwedeng walang eksena:

“On the wings of love, up and above the clouds, the only way to fly…..achuchu-chuuuuuuuuuuuuuu”
 ----- At yun na nga….achuchu – chuuu nalang ang mga katagang maririnig mo kapag di nya na alam ang kasunod na lyrics.

Eto pan ang isa...
“I haveee nothingggg…noooothing…nooothingggggggg if I don’t haveeee youuuuuuu hoooooo wohooooo”
----- opo, iniiba nya po ang tono ng mga kanta…tinataasan ang mga tono na mababa at vice versa….at nagdadagdag ng lyrics kung gusto nya.


Patti, yours truly, Jaja at Ems: <hagik-hikan lang ng hagik-hikan dahil nakakatawa naman talaga tong pinaggagawa niya>

Green : “Bakit kayo tawa ng tawa dyan? INSECURE lang kayo eh, kasi abot ko ang matataas na NOTA”….

O Ayun na…kami pa ang mga naging Bitter sa lagay na yun….lol

We miss you Green!!!!!!!



*http://desktoppub.about.com/cs/colorselection/p/green.htm

Saturday, January 22, 2011

Ang Simula: INGGIT

OO, alam kong matagal ng uso ang blog...Pero di talaga ako maengganyo engganyong gumawa sa kadahilanang....tinatamad ako...ganun lang kasimple.

"O JM, si J me blog, ako me blog, si M me blog, parang lahat ata ng kwan me blog" , sabi yan ni Ralph..... na kung tatanungin nyo kung ano ang ibig nyang sabihin ay hindi ko din alam...kung gusto nyo eh sya na lang tanungin nyo.

Sa madaling salita, kahit kinukwentuhan ako ng mga tungkol sa blog na yan eh wala akong pakialam....dahil gaya nga ng sinabi ko... Tinatamad ako...



Facebook Facebook lang ako.....nang biglang makita ko sa wall ko ang Blog na ginagawa ni Mary May De Villa a.k.a. Ems, Emoruth, Emo etc...basta marami syang alyas...click nyo nalang to para makita nyo: Em's blog.

At dahil dyan, ito na nga ang:

Nang dahil sa 




Gagawa na din ako ng sarili kong Blog... :))