Bigla kong naalala ang former colleague na lumisan na. (Oooops, bago kayo mag over acting eh mabuti na ang maliwanag, hindi pa naman siya kinukuha ni Lord…bagkus eh lumipat lang siya ng kumpanya).
At ang blog na ito ay aking inaalay sa kanya…..tribute kumbaga… Eliezer a.k.a. Green, kung nasan ka man ngayon, dyan ka nalang…hahahaha….joke lang.. namimiss ka lang namin.. :)
Green is life. Abundant in nature, green signifies growth, renewal, health, and environment*.
Wag nyo ng ambisyunin na ipapaliwanag ko pa yung kahulugan nung pariralang nasa itaas isa-isa. Malalaki na kayo! Alam nyo na yan.
Basta more or less, ganyan si Green.
Siguro naman alam nyo na kung sino si Green dyan…Please lang WAG TANGA!
Achuchu-chu!
Toxic! Toxic! Toxic! Yan nalang ang lagi kong nararamdaman nuong mga panahong ako ay nasa GY(graveyard) Shift pa. Pero naman, ang saya kapag Sunday shift, meron kasi kaming sariling version ng “PARTY PILIPINAS” kasama si Patti(bagong tauhan to…Kara Patricia ang real name nya…at colleague din) at Emoruth(kilala nyo na sya…sya ang me kasalanan kung bakit ako nagbblog at last day na nya sa office sa February 21, 2011 :( ). Paminsan minsan sumasali din si JaJa(Jasper naman ang real name, at gaya ni Green, isa din sya sa mga lumisan na)
Sa pag “Paparty Pilipinas” namin, eh wala na kaming ibang ginawa kung di ang umawit ng umawit…..Lahat ng genres pinapatos na namin, isama mo na din lahat ng singers, pero nungka, itong si Green, di pwedeng walang eksena:
“On the wings of love, up and above the clouds, the only way to fly…..achuchu-chuuuuuuuuuuuuuu”
----- At yun na nga….achuchu – chuuu nalang ang mga katagang maririnig mo kapag di nya na alam ang kasunod na lyrics.
Eto pan ang isa...
“I haveee nothingggg…noooothing…nooothingggggggg if I don’t haveeee youuuuuuu hoooooo wohooooo”
----- opo, iniiba nya po ang tono ng mga kanta…tinataasan ang mga tono na mababa at vice versa….at nagdadagdag ng lyrics kung gusto nya.
Patti, yours truly, Jaja at Ems: <hagik-hikan lang ng hagik-hikan dahil nakakatawa naman talaga tong pinaggagawa niya>
Green : “Bakit kayo tawa ng tawa dyan? INSECURE lang kayo eh, kasi abot ko ang matataas na NOTA”….
O Ayun na…kami pa ang mga naging Bitter sa lagay na yun….lol
We miss you Green!!!!!!!
*http://desktoppub.about.com/cs/colorselection/p/green.htm
fine..ang payat ko naman noh? diba friend? ang payat ko?
ReplyDeletekamukha mo nga si mamy sol dyan eh
ReplyDelete