P.S.
Susundot na din po ako ng aking mga komento :)
BLOGGING WITH COERCION: KAILANGAN KONG MAG-
BLOG DAHIL KASAMA AKO by: Joshua De Vera
MATAPOS ANG PAGLALAKBAY
Matapos mauto sa paglalakbay, sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan. Pagkababa ng bus ay naglakad kami. Naglakad ng naglakad. Umakyat baba ng foot bridge. At makalipas ang sampung kilometrong lakaran (which is overly exaggerated), nakarating din kami sa TRINOMA.
Mahaba ang pila papasok. May guard sa entrance. May cobwebs sa sa ceiling na dalawang pulgada ang diameter. Ang sosyal sosyal ng atmosphere.
KAMAY KAINAN
Almost lunchtime na at madami ring tao sa KAMAY KAINAN. Mukhang blockbuster ang lugar na ito di gaya ng mga katabing establishments na nilalangaw sa tumal ng taong nagpupunta. Taghirap ang pagkuha ng seats kasi karamihan sa mga tables ay either occupied or reserved. So, nagtanong kami sa mga staff kung may bakanteng upuan at itinuro kami sa isang plastic na mesang bilog na parang ginagamit ng mga kindergarteners dahil sa liit nito. At dahil diyan e napa-dialogue si JM ng:
“Ayoko diyan, PANG-MAHIRAP!!!”
(kelangan mo pa ba talagang sabihin to? Dyahe naman, baka isipin nilang matapobre ako – idelete to)
SEAFOODARIAN
Buti na lang at may desenteng bakanteng upuan sa dulo kung saan katabi namin ang isang pulutong ng mga matronang nag-re-reunion. Nauna ng pumila si JM dahil sa gutom at pagbalik niya ay may dala siyang isang banyerang puno ng SEAFOODS [TAHONG, KUHOL(na aking isinumpa), HIPON(na masarap at pedeng ngasabin lahat ng parte) at ALIMASAG(na di ko alam kainin)] at ni isang butil ng bigas ay di dumampi sa kanyang plato.
At dahil hindi naman ako SEAFOODARIAN (mga taong mahilig sa SEAFOODS), kumuha ako ng KARE-KARE (na walang lasa), BOPIS (na masarap naman), CHOP SUEY (gulay siya) at KANIN. Pinilit ako ni JM na tumikim ng KUHOL, at minsan uli ay na-trauma ako. Puro buhangin ang nalasahan ko at may nadagdag na namang pagkain sa listahan ko ng NEVER EAT THIS AGAIN EVER AGAIN EVER!
(hahahaha! Aba, malay ko ba naman na buhangin stuffed pala ang kuhol na yun)
Matapos ang first round ay parang nabitin ang kasama kong SEAFOODARIAN at bumalik sa hapag para kumuha pa ng isang damukal naTAHONG. Ako naman ay nagsample ng iba’t ibang putahe. ADOBO, CHICKEN CURRY, FRIED CHICKEN, HITO, BANGUS, PAGI(sabi kasi ni JM pagi daw yun) AT SINIGANG NA PORK. At dahil di ko nagustuhan ang HITO at PAGI ay di ko ito inubos. Tinakpan na lamang namin ito ng TAHONGSHELLS sa takot naming ma-double charge.
(Sus, eh nagpauto ka nanaman sakin, diko naman alam kung Pagi (Sting Ray) tlaga yun!)
ICE TEA! ICE TEA!
Simot na ang pagkain sa aming mga plato ngunit wala pa ring refill ang aming mga baso. Sampung waiter na ata ang aming hiningan ngunit wala pa rin ni isang patak. Buti na lang at nadaan namin sa kulit.
(Napansin ko din to, Mahirap nga magparefill ng ice tea)
SORBETES AT IBA PA
Makalipas ang dalawang oras ay naroon pa rin ang mga matronang nag-re-reunion. Nakapag-bill out na sila’t lahat lahat ngunit di pa rin sila umaalis. Picture sila ng picture na parang mga BMT lang. At wagka, lahat sila ay may FACEBOOK account!
(BMT-Business Management Team: Departamento sa Opisina kung saan kabilang ang inyong lingkod; Dapat pala nipicture-an din natin ang mga matrona at ing tag sa Facebook, total naman eh me kanya-knya naman daw diumano silang mga account)
Makalipas pa ng ilang minuto ay dumating na rin ang kanilang hinihintay, ang SORBETES! Ito pala ang dahilan kung bakit di sila maka-alis alis. At dahil paborito ko ang SORBETES ay dali dali akong pumila dala ang dalawang tasa sa aking kamay. Dahil di ko kayang lagyan ang dalawang tasa ng sabay, nilapag ko ang isa. At ito ang sumunod na pangyayari:
JOSH: (scooping-scooping, lagay-lagay the ice cream in one tasa)
LITTLEGURL: (nakita ang nilapag kong tasa) Kuya, meron bang may-ari ng TASA? (sabay turo with paawa eyes)
JOSH: MERROOOONNNN!!!
LITTLEGURL: (irap sabay alis)
(Pihadong nagsumbong sa magulang nya ang batang yun!LOL)
MASYADONGMAHABAANGENTRYNATOTAPUSINNA!
Matapos ang dalawang oras na pag-lala at pag-mamam eh na-reach na rin ng mga tiyan namin ang limit ng kanyang elasticity. Busog na kami! Yun na!
SALAMAT JOSH sa Entry.....Magaling! Magaling! Magaling!
ahahahahahah!!! panalo si JOsh!
ReplyDeletesabi sayo eh, nahawa na sakin!
ReplyDeleteJM Mukha ka namang mahirap e at hanggang dito sa blogspot susundan kita wahahahah!
ReplyDeleteWalangya ka Kalbo..hanggang dito ba naman....wala kang patawad tsong!!!! hahaha
ReplyDelete