Sunday, July 14, 2013

CLIFFORDABLE!!!!!

YUN OH!!!


So so so... Mga dabarkads... eto na nga...medyo nagpahinga nanaman...di ko namalayan eh 2013 na pala... syempre marami rami nanamang adventures ang aking nagawa at isheshare ko yan sa takdang panahon.


SPIN-OFF

BUFFY THE VAMPIRE SLAYER is to ANGEL ; GREY'S ANATOMY is to PRIVATE PRACTICE. Ano nga ba tong Spin-Off... yan yung mga series na nagmula sa isa pang series. Halimbawa nga tong ANGEL na series, ilang episodes din lumabas si Angel sa series na Buffy bago sila binigyan ng sarili nilang series. Ganito din yung sa Private Practice, ilang beses nag guest si Dr. Montgomerey sa Grey's Anatomy bago sya binigyan ng sarili nyang series na sya na mismo ang bida.


At bakit ko nga ba ingsingit itong Spin-Off na ito?????? dahil dito.......


www.Cliffordable.blogspot.com

Yep! Yep! Yep! meron ding PARANG Spin-Off tong blogsite ko..hehe..pero semi-semi lang..parang kapatid na blogsite ba...ganun!

Kaya kung nais nyo pang magbasa basa ng mga lakwatsa atbp...daan daan na sa CLIFFORDABLE!!!! pag me time....

Tuesday, November 27, 2012

BUKANG LIWAYWAY - Ikalawang Bahagi!

Waiting....



Matagal tagal din ang hinintay ko na maipalabas na sa Pinilakang Tabing ang Ikalawang Bahagi ng Breaking Dawn na ito. Ang dami daming nagaganap na imahinasyon sa utak mo gaya ng ano ba magiging itsura ni Bella? ni Renesmee? ano ang special abilities nila? Happy ending kaya??? mga tanong na sadyang nasagot nung mapanuod ko finally! :)

Peyborit......

Team Edward? Team Jacob? wala akong pakialam dyan...kahit nga ke Bella wala akong pakialam..hahaha... Dalawang characters ang nakapukaw ng aking atensyon.. isang Bida at isang Atribida este Kontrabida... simulan natin sa BIDA.....

                                     "Oh! Edward' s right. You do smell good" - ALICE



Alice Cullen (born Mary Alice Brandon in 1901) is a clairvoyant vampire and member of the Olympic coven. She is the soulmate of Jasper Hale, the adopted daughter of Carlisle and Esme Cullen, the adoptive sister of Emmett and Edward Cullen, and of Rosalie Hale. Alice is also the adoptive sister-in-law of Bella Swan and the adoptive aunt of Renesmee Cullen. She also had a younger biological sister, Cynthia Brandon, who remained human and passed away, and a niece, Cynthia's daughter, still living in Biloxi.

In 1920, after having been institutionalized by her family, an unknown vampire turned her to save her from the relentless tracker, James. Later, she was led to the love of her life, Jasper, after receiving a vision of him, and the pair subsequently joined the peaceful coven of the Cullen family. She is known for her sweet and loving nature.
"Gustong gusto ko talga si Alice, yung itsura nya, the way she moves and talks... para nga sakin sya ang dapat na pinakamagandang bampira imbes na si Rosalie. Ang cool pa ng power nya, sobrang nagagamit para sa ikaliligtas ng kanilang pamilya. Talagang napakalaking tulong nya sa kanilang coven."
 ..........Ngayon sa KONTRABIDA naman...


 
"Either we let them do what they were created for, or we end them."- JANE


Jane is a high-ranking member of the Volturi guard in the Twilight Saga. She is the twin sister of Alec, and together they are the Volturi's most powerful offensive weapons. Jane has the ability to inflict a mental illusion of burning pain into other people's minds, which serves greatly in instilling fear and maintaining order to confrontations.

"Amazing din naman talaga ang power nitong si Jane kaya nagustuhan ko. Yung tamang di mo na kelangang magcombat practice pa kasi kahit malayo sayo ang kalaban mo pwedeng pwede mong masaktan..isang tingin lang mapapahiga na sa sakit..kaya ang ending ng itong hitad na to eh saksakan ng yabang..pano lahat kinakatakutan sya at walang ibang pinanakot kungdi yung paginflict nya ng pain at mangtorture..bwiset..haha"




"At dahil dyan, isipin nyo na lang ang kagalakan ko ng makita ko kung pano sya napatay...at sa dinami dami pa ng characters dun eh si Alice pa ang humarap sa kanya...galing galing... Sobrang tuwa ko talaga nung makita yung itsura ni Jane nung tinatry nyang maginflict ng pain ke Alice at di tumatalab dahil sa tulong ng power ni Bella... kitang kita yung takot sa mukha at wala syang nagawa kungdi tumakbo..hahah..buti nga sayo beatch! hahaha!"
                              
 *Pictures and Description of the characters are taken from TWILIGHT WIKI

Sunday, November 25, 2012

Queen City of the South - SUGBO!!!!!

Random Pictures Lang....

Crown Regency Cebu

Picture Picture sa Room.. Ang taas man ng Kama nila.lol

Breakfast Buffet sa GLO! sarap kumain talaga.

My Certificate stating that i Survived the SKY WALK!

Edge Coaster na nitry din namin! saya nito! kakalula!

This is where we had the International Buffet!forgot the name!

Picture Picture pa sa Room..lol

Kahit Maginaw..Swim lang..sulitin ang bayad sa hotel.

Entrance going sa masarap na breakfast buffet

Pictures na sila ang kumuha..mahal yang mga yan!

Dinner Buffet! Chinese ang theme! puro mamantika.lol

Gulp! Gulp! Gulp!
















PLANTATION BAY


me nakita kong mga isda dito eh..lobby!


kahit maaraw, sige lang sa kodakan!

Ito yung pathway na kahit basa eh hindi madulas!

Yung asa right side eh malalim,basta lumpos tao sya.

With Kuya CJ! na gustong gusto ng magswimming!

Yan ang tinatawag na Meditate-Meditate-tan!

Thumbs up talaga sa PLANTATION BAY

TAOIST TEMPLE and ALEGRE Guitar

Gaya ng usual na temple..mataas na lakaran papunta sa tuktok














Sympre Mapapagod at Magpapahinga ako!!!
Ang Gitara na gusto ni Kuya CJ pero sabi namin wag na! lol

 






 Etc.....Etc....Etc....


di ko na kasi matandaan kung ano bato.parang park yan eh

 Si MACHETE......este...LAPU-LAPU pala
Lastly sa Cebu Airport kung saan Delayed ang Flight namin!With Kuya CJ and my very gorgeous/goddess friend Malou!!!!

 

Suddenly Its BAKING!!!!!

So ayun na nga... napanuod ko yung guestings ng casts ng SUDDENLY ITS MAGIC movie sa GANDANG GABI VICE (GGV) at dahil sa kagalakan ko nung gabing yun eh sinabi ko sa sarili kong papanuorin ko sa sine to...






At nung makakuha nga ng chance makapanuod, eh masasabing nakatutuwa namang talaga yung movie...tamang kilig ganyan...tamang paasa na sana ikaw din...at tamang mapapangiti ka din namang talaga....

Pero...ito ang higit nakaagaw ng aking atensyon......

 .....yung CUPCAKE nga...abay nagbake ba naman itong si Erich ng pagkarami raming cupcakes..malalaki at matatambok na cupcakes......

BAKING

Kung nabasa nyo yung kauna unahang blog entry ko, alam nyo na siguro kung ano nanaman ang umiral sa akin.....esep esep..... KOREK....INGGIT nga...hahaha..so ang ending...eh ayan na nga...internet dito at internet dun para lang makakuha ng recipe na pwedeng gawin....

Unahin na natin ang .....

Chocolate Crinkles:

RECIPE from Panlasang Pinoy


Ang mga Sangkap:
  • 2 cups all-purpose flour, sifted
  • 1/2 cup unsalted butter, softened
  • 1 1/4 cup granulated sugar
  • 4 pieces raw eggs
  • 1 tbsp vanilla essence
  • 4 ounces semi-sweet chocolate chips, melted
  • 2/3 cups unsweetened cocoa powder
  • 1/2 teaspoon salt
  • 1 teaspoon baking powder
  • 1 cup confectioners sugar
Direksyon sa Pag-gawa:
  1. Cream the butter in a mixing bowl using an electric mixer
  2. Whisk the granulated sugar in and continue mixing for 2 minutes
  3. Add the cocoa powder and melted chocolate then mix again for a minute
  4. Put-in the eggs and vanilla essence then continue to mix until the texture becomes fluffy.
  5. Add-in the flour, salt, and baking powder then mix again until all the ingredients are evenly distributed.
  6. Cover the mixing bowl with cling wrap and refrigerate for at least 3 hours
  7. Remove the cover and scoop the mixture using 1/2 tbsp measuring spoon
  8. Roll the mixture using your palms until the shape becomes spherical
  9. Roll the chocolate balls over confectioners sugar until fully covered
  10. Arrange on a baking tray with wax paper (each ball should be 2-3 inches apart)
  11. Preheat oven to 350 degrees Fahrenheit and bake the chocolate balls for 10 to 12 minutes
  12. Remove from the oven and allow to cool down
  13. Arrange in a serving platter then serve. Share and enjoy!

 Ang HATOL

Ang totoo nyan, yung unang nagawa ko eh palpak...in the sense na hindi sya moist bagkus eh parang bato sa tigas na pwede mong ipukol sa kinababanasan mong tao!(hmmm makapagreserve nga at marami marami akong gustong batuhin)...

At dahil kelangan kong maperpek to, ayun umulit ako at this time eh nakuha ko naman na yung tamang timpla na gusto ko..at last nakatapos ng isa...NEXT!!!!!....

Banana Chocolate Chip Muffin:

Yan nga yung first na nagawa. Maliliit sya so umulit ulit ako...

 
 
 Ayan!!!! this time mas malalaki na sya...PERPEK!!!

Ang mga Sangkap:
  • 2 pieces medium sized ripe bananas, mashed
  • 3 tablespoons vegetable oil
  • 1/2 cup chocolate chips
  • 2 cups Bisquick pancake mix
  • 1 piece raw egg
  • 1/2 cup granulated white sugar
 Direksyon sa Pag-gawa:
  1. Preheat oven to 400 degrees Fahrenheit.
  2. In a mixing bowl, beat the egg and gradually add the sugar. Mix well.
  3. Mix-in the vegetable oil and mashed bananas.
  4. Add the pancake mix. Continue mixing until all the ingredients are distributed.
  5. Fold-in the chocolate chips.
  6. Place the paper cups on the muffin pan, and pour-in or place a scoop of banana mixture in each paper cup.
  7. Put the muffin pan inside the oven and bake for 14 to 17 minutes (or until it passes the toothpick test).
  8. Remove the muffins from the oven and let cool by placing on top of a cooling rack.
  9. Serve. Share and enjoy!

Ang HATOL

 Eto ang masasabi kong masarap naman talaga!!!! nagkatalo lang sa size pero yung lasa... Malalasahan mo talaga yung banana, yung langhap ng vanilla essence, at yung pagkakaincorporate ng chocolate chip...PANALOOO!!!...try nyo na din,,,, NOW NA!!!
 

 

Saturday, November 24, 2012

After 1 Year, 11 Months and 21 Days!!






Bigla akong kinati na butingtingin ang 'About' sa aking FB account at dun ko nakitang meron nga pala akong blog site.........At WOH!!!! ang tagal na pala since last itong naupdate!!!!!

Happenings 

Sa tinagal tagal ng panahon na yan..soobrang daming nangyari na gusto kong ishare so hopefully eh maibahagi ko senyo sa mga susunod na araw, at sa susunod pa at sa susunod sa susunod pa!

Di ko lang alam kung Ano, Saan, Kailan at Paano sisimulan!!! hmmmm......

TINGGGGGGGGG! alam ko na, titingnan ko nalang ang mga past 1 Year, 11 Months and 21 Days!! na mga pictures at tingnan ko nalang kung ano ang mga kashare share!!! RANDOM na lang kumbaga!!!



Thursday, February 3, 2011

Guest Blogger: JOSH

..........Gaya nga ng nipramis ko senyo, tunghayan natin sa ibaba ang blog ng aking guest... Josh..Passsooooooooooook!........... 


P.S. 


Susundot na din po ako ng aking mga komento :)




BLOGGING WITH COERCION: KAILANGAN KONG MAG-

BLOG DAHIL KASAMA AKO by: Joshua De Vera


MATAPOS ANG PAGLALAKBAY

Matapos mauto sa paglalakbay, sa wakas ay nakarating na rin kami sa aming paroroonan. Pagkababa ng bus ay naglakad kami. Naglakad ng naglakad. Umakyat baba ng foot bridge. At makalipas ang sampung kilometrong lakaran (which is overly exaggerated), nakarating din kami sa TRINOMA.

Mahaba ang pila papasok. May guard sa entrance. May cobwebs sa sa ceiling na dalawang pulgada ang diameter. Ang sosyal sosyal ng atmosphere.

KAMAY KAINAN
Almost lunchtime na at madami ring tao sa KAMAY KAINAN. Mukhang blockbuster ang lugar na ito di gaya ng mga katabing establishments na nilalangaw sa tumal ng taong nagpupunta. Taghirap ang pagkuha ng seats kasi karamihan sa mga tables ay either occupied or reserved. So, nagtanong kami sa mga staff kung may bakanteng upuan at itinuro kami sa isang plastic na mesang bilog na parang ginagamit ng mga kindergarteners dahil sa liit nito. At dahil diyan e napa-dialogue si JM ng:       
    
“Ayoko diyan, PANG-MAHIRAP!!!” 

(kelangan mo pa ba talagang sabihin to? Dyahe naman, baka isipin nilang matapobre ako – idelete to)
SEAFOODARIAN



Buti na lang at may desenteng bakanteng  upuan sa dulo kung saan katabi namin ang isang pulutong ng mga matronang nag-re-reunion. Nauna ng pumila si JM dahil sa gutom at pagbalik niya ay may dala siyang isang banyerang puno ng SEAFOODS [TAHONGKUHOL(na aking isinumpa), HIPON(na masarap at pedeng ngasabin lahat ng parte) at ALIMASAG(na di ko alam kainin)] at ni isang butil ng bigas ay di dumampi sa kanyang plato.

At dahil hindi naman ako SEAFOODARIAN (mga taong mahilig sa SEAFOODS), kumuha ako ng KARE-KARE (na walang lasa), BOPIS (na masarap naman), CHOP SUEY (gulay siya) at KANIN. Pinilit ako ni JM na tumikim ng KUHOL, at minsan uli ay na-trauma ako. Puro buhangin ang nalasahan ko at may nadagdag na namang pagkain  sa listahan ko ng NEVER EAT THIS AGAIN EVER AGAIN EVER

(hahahaha! Aba, malay ko ba naman na buhangin stuffed pala ang kuhol na yun)

Matapos ang first round ay parang nabitin ang kasama kong SEAFOODARIAN at bumalik sa hapag para kumuha pa ng isang damukal naTAHONG. Ako naman ay nagsample ng iba’t ibang putahe. ADOBOCHICKEN CURRYFRIED CHICKENHITOBANGUSPAGI(sabi kasi ni JM pagi daw yun) AT SINIGANG NA PORK. At dahil di ko nagustuhan ang HITO at PAGI ay di ko ito inubos. Tinakpan na lamang namin ito ng TAHONGSHELLS sa takot naming ma-double charge. 


(Sus, eh nagpauto ka nanaman sakin, diko naman alam kung Pagi (Sting Ray) tlaga yun!)

ICE TEA! ICE TEA!
 
Simot na ang pagkain sa aming mga plato ngunit wala pa ring refill ang aming mga baso. Sampung waiter na ata ang aming hiningan ngunit wala pa rin ni isang patak. Buti na lang at nadaan namin sa kulit. 


(Napansin ko din to, Mahirap nga magparefill ng ice tea)



SORBETES AT IBA PA
Makalipas ang dalawang oras ay naroon pa rin ang mga matronang nag-re-reunion. Nakapag-bill out na sila’t lahat lahat ngunit di pa rin sila umaalis. Picture sila ng picture na parang mga BMT lang. At wagka, lahat sila ay may FACEBOOK account! 


(BMT-Business Management Team: Departamento sa Opisina kung saan kabilang ang inyong lingkod; Dapat pala nipicture-an din natin ang mga matrona at ing tag sa Facebook, total naman eh me kanya-knya naman daw diumano silang mga account)

Makalipas pa ng ilang minuto ay dumating na rin ang kanilang hinihintay, ang SORBETES! Ito pala ang dahilan kung bakit di sila maka-alis alis. At dahil paborito ko ang SORBETES ay dali dali akong pumila dala ang dalawang tasa sa aking kamay. Dahil di ko kayang lagyan ang dalawang tasa ng sabay, nilapag ko ang isa. At ito ang sumunod na pangyayari:

                            JOSH: (scooping-scooping, lagay-lagay the ice cream in one tasa)
                          LITTLEGURL: (nakita ang nilapag kong tasa) Kuya, meron bang may-ari ng TASA?   (sabay turo with paawa eyes)
                              JOSH: MERROOOONNNN!!!
                               LITTLEGURL: (irap sabay alis)

(Pihadong nagsumbong sa magulang nya ang batang yun!LOL)

MASYADONGMAHABAANGENTRYNATOTAPUSINNA!
Matapos ang dalawang oras na pag-lala at pag-mamam eh na-reach na rin ng mga tiyan namin ang limit ng kanyang elasticity. Busog na kami! Yun na!

(Aba'y dapat lang, kala ko nga ikaw na ang me ari ng blog na to eh...nakalimot ako panumandali na ikaw pala eh guest blogger lang..haha)

SALAMAT JOSH sa Entry.....Magaling! Magaling! Magaling! 


Sunday, January 30, 2011

Ang gamit ng: PEDAL

DAU/Mabalacat Bus Terminal – mga pasado alas diyes ng umaga……..


Tingin tingin ng bus na masasakyan papuntang TRINOMA. Ewan ko ba kung anong bus ang nasakyan namin. Basta sakay nalang para maagang makapunta sa patutunguhan.






PROLOGUE
JM: “O bakit ka nakasimangot dyan? Galit ka?”
Josh: <Sambakol pa din ang mukha> “Eh pano naniwala ako sayo!!! Bwiset ka!”
JM: “Sorry na, joke joke lang” <aba eh malay ko ba namang maniniwala at magpapauto sakin tong kumag na to…hahahahaha>


ANG KWENTO:


Yung bus na sinakyan namin eh me patungan ng paa yung upuan. Tingnan na lamang ang larawan sa ibaba.






Nagkataon na ang naupuan ni Josh ay nakarecline (di ako susyal, di ko lang alam ang tagalog ng recline..pasensya naman) 


Josh: “JM pano ba aayusin to? Masyadong mababa, wala naman yung adjust-an”
JM: <sinumpong ng pang-go-good time>“Sus! Ano ka ba, ayan yung pedal o, tapak-tapakan mo lang para maadjust!”
Josh: <tinapak-tapakan nga ang pedal ng mokong… at natural walang mangyayari> “Ayaw naman eh.” <pero patuloy pa din naman sa pagtapak>
JM: <tawa na ng tawa>
Josh: <huminto na sa pagsikad sa pedal….at sumibangot na, malamang eh napagtanto na nya na mukha syang eng-eng sa pinaggagagawa nya.lol>




TRINOMA – Pasado alas dose na ng tanghali……


Kainan na! at para makabawi naman sa pang gu-goodtime ko, eh blog nya ang ipopost ko dito patungkol sa mga pagkain na aming inupakan sa KAMAY KAINAN………. 
To be continued………………………….